Calendar
Panukalang batas para ideklarang krimen at economic sabotage tobacco smuggling pasado sa House
INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso ang House Bill No. 3917 na naglalayong amiyendahan ang Republic Act (RA) No. 10845 upang mapasama bilang “crime of economic sabotage” ang talamak na agricultural smuggling ng tobacco.
Sa pamamagitan ng tinatawag na overwhelming 225 votes o mayorya ng mga kongresista ang bumoto pabor sa pagsasabatas ng HB No. 3917. Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukalang batas upang maituring na economic sabotage ang agricultural smuggling ng tobacco na may katapat na kaparusahan.
Sa ilalim ng HB No. 3917, inaamiyendahan nito ang Section 3 ng RA No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 upang mai-detalye (enumerate) kung papaanong maituturing na krimen ang large-scale o palasak na agricultural smuggling.
Nakasaad sa isinulong na amendment o susog na ang krimen ng economic sabotage ay sa pamamagitan ng large scale agricultural smuggling ng tobacco. Manufactured o unmanufactured. Kabilang na dito ang mga finished products gaya ng sigarilyo o heated tobacco products.
Nakapaloob din sa inaprubahang panukala na kabilang sa mga mapaparusahan sakaling mapatunayan na nasangkot sila sa agricultural smuggling ay ang broker, agent, facilitator, forwarder at warehouse lessor, importer, private port, fish port, landing site (resort – airport).
Inaamiyendahan ng HB No. 3917 ang Seection 4 ng RA No. 10845 sa pamamagutan ng pagpapataw ng pagkakakulong ng 30 hanggang 40 taon laban sa sinomang sangkot sa illegal na gawain.
Ang mga authors naman ng HB No. 3917 ay sina House Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, House Majority Leader Jose “Mannix” M. Dalipe at Cong. Margarita Ignacia B. Nograles, Elpidio “Pidi” Bargzaga ng Cavite at iba pang kongresista.