Martin

Kamara inaprubahan panukala na titiyak na walang monopolya sa data transmission industry

130 Views

SA botong 243 pabor at tatlong abstention, inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na titiyak na magiging transparent at hindi magkakaroon ng monopolya sa sektor ng data transmission.

Layunin ng House Bill No. 6 na pangunahing-akda ni Speaker Martin G. Romualdez na tiyakin na bukas at patas ang kompetisyon sa data transmission industry upang mahikayat ang mga mamumuhunan na maglagak ng kapital sa pagtatayo ng mga kinakailangang imprastraktura.

Sa pagpaparami ng kinakailangang imprastraktura ay mas gaganda umano ang serbisyo ng mga data transmission service provider.

Ang mga telecommunication company ay dapat nakarehistro sa National Telecommunications Commission (NTC) at sumunod sa mga itinakdang panuntunan.

Ang mga hindi susunod ay papatawan ng P300,000 hanggang P5 milyong multa kada araw ng paglabag.