Martin

Speaker Romualdez inihayag na 13 priority measures ni PBBM ipinasa ng Kongreso

Mar Rodriguez Dec 13, 2022
138 Views

NAGAGALAK na inihayag ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na labing-tatlong panukalang batas na itinuturing na “priority measures” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Dahil dito, sinabi ni Speaker Romualdez na naging produktibo ang ikalawang yugto ng session ng 19th Congress na tinawag nitong “productive single session”. Bago ang kanilang Christmas break dahil sa pagkakapasa 13 priority measures ni Pangulong Marcos, Jr.

Nabatid sa House Speaker na kabilang sa mga ipinasa ng Kamara de Representantes ay ang tinatawag na Common Legislative Agenda sa ilalim ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) upang matiyak na magkakaroon ng maayos na serbisyo para sa mga Pilipino.

Ayon kay Romualdez, ang pagkakapasa ng 13 panukalang batas ay kabilang sa 15 priority measures o kabuuang bilang na naipasa na ng Kongreso mula ng magbalik ang session nitong noong nakaraang November 7 at magsimulang talakayin ang mga nakahaing panukalang batas.

Nauna rito, binigyang diin ni Speaker Romualdez ang kaniyang commitment upang agarang maipasa ng Kamara de Representantes ang panukalang P5.26 trillion national budget para sa taong 2023. Kabilang na ang mga priority measures sa ilalim ng CLA – LEDAC.

“We will continue working on the passage of other LEDAC priority bill,” sabi ni Speaker Romualdez.