Ople

Labor attaché daragdagan para matulungan Filipino migrant worker

185 Views

PINAG-AARALAN ng Marcos administration ang pagdaragdag ng mga labor attaché upang maproteksyunan ang mga karapatan ng Filipino migrant worker.

Sinabi ito ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Brussels, Belgium.

“Next year may budget na tayo. Makakatulong na kami nang husto sa inyo. Magdadagdag kami ng mga office ng labor attaches natin. So, pag-aaralan natin sa Europe, kung saan kami pwedeng magdagdag,” sabi ni Ople.

Mayroon din umanong mga hakbang na ginagawa ang gobyerno upang tulungan ang mga overseas Filipino na nais ng bumalik sa Pilipinas.

“Pinagtitibay namin ngayon ‘yung mga agreements, sa kautusan ni President Marcos, gusto niya na iyong mga uuwi, na katulad niyo na matagal sa abroad, ‘yung mga gustong mag-invest, tuturuan natin. Ang partner natin ay Department of Trade and Industry at saka iyong Go Negosyo,” dagdag pa ni Ople.

Mayroon umanong mga ginagawa ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) para tulungan ang mga OFW na nais na magnegosyo sa sektor ng agrikultura at agribusiness.

“Yung gusto namang mag-farming, mag-agribusiness, ‘yung may mga lupang nakatiwangwang, tutulungan naman kayo ng Department of Agriculture,” dagdag pa ni Ople. “Yung mga walang lupa pero gustong magtanim din, bumalik sa pagsasaka, alam niyo, malaking bagay [ang] food security… Yung mga OFWs na babalik, doon sa mga lupa ng gobyernong nakatiwangwang, ay pwedeng ipagamit para kayo naman ay kumita.”

Suportado rin umano ng Department of Information of Communications Technology (DICT) ang upskilling ng mga Pilipino upang manatiling competitive ang mga ito.