BBM

NFA warehouse ininspeksyon ni PBBM

151 Views

NAG-INSPEKSYON si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela umaga ng Sabado, Disyembre 17.

Ayon kay Marcos sasapat ang suplay ng bigas bagamat patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay dahil maaaring maapektuhan ng masamang panahon ang produksyon nito.

Sinabi ni Marcos na bumisita ito sa warehouse dahil nais nitong makita kung saan nanggagaling ang bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa Market. Ang bigas na ibinebenta sa Kadiwa Market ay nagkakahalaga ng P25 kada kilo.

Ayon kay Marcos mayroong parating na panibagong suplay ng bigas sa naturang warehouse.

Nauna rito ay pinuntahan din ni Marcos ang sangay ng Kadiwa ng Pasko sa Valenzuela City.

Inamin naman ni Marcos na mayroong problema sa suplay ng sibuyas kaya mataas ang presyo nito. Hinahanapan na umano ito ng solusyon.

Tinutugunan din umano ang problema sa smuggling ng sibuyas na pumapatay sa lokal na industriya.