Romero1

Magna Carta para sa mga DENR personnel na nangangalaga sa kalikasan. Isinulong ng 1-PACMAN Party List Group

Mar Rodriguez Dec 17, 2022
228 Views

HINAHANGAD ng 1-PACMAN Party List Group na mapangalagaan ang interes at kapakanan ng mga tauhan o personnel ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nakapaloob sa panukalang batas na isinulong nito sa Kamara de Representantes.

Nais ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D. na mabigyan ng proteksiyon ang mga personnel ng DENR na ang pangunahing tungkulin ay pangalagaan ang kalikasan o environment ng bansa laban sa mga illegal loggers at iba pang kauri nito.

Dahil dito, inihain ni Romero ang House Bill No. 823 upang magkaroon ng “Magna Carta” ang mga personnel ng DENR na nakaumang ang kanilang buhay sa peligro para protektahan ang ating kalikasan laban sa mga taong nais pagkakitaan at sirain ang environment ng bansa.

Ipinaliwanag ni Romero na sa ilalim ng HB No. 823, layunin nito na mabigyan ng karampatang benepisyo at insentibo ang mga personnel ng DENR sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang maayos na living condition, working condition, security and terms of employement at iba pa.

Sinabi ni Romero na nararapat lamang na tumbasan ng estado o pamahalaan ang hindi matatawarang serbisyo na iniuukol ng mga personnel ng DENR upang pangalagaan ang kalikasan.

Sapagkat nakaumang sa anumang peligro ang kanilang buhay para tupdin ang kanilang tungkulin.

Bukod sa mga personnel ng DENR, kabilang din sa panukalang Magna Carta ang iba pang regional offices ng nasabing ahensiya, attached agencies, environmental units, kasama din ang ecological waste management at iba pang ahensiya na nakapaloob sa DENR.

“This Bill aims to promote and improve the health, physical, safety, social and economic well-being of the environment and natural resources personnel their living and working condition, security and terms of employment to develop their skills and capabilities,” sabi ni Romero.