Calendar
Transparency ng MIF ni Speaker Romualdez
TINIYAK ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na magkakaroon ng transparency sa proseso at paggamit ng Maharlika Investement Fund (MIF) upang pawiin ang pangamba ng ilang sektor na mariing tumututol sa MIF.
Binigyang diin ni Speaker Romualdez na ang pagkakaroon ng transparency o pagiging bukas sa proseso ng MIF para sa lahat ng sektor ang siyang pangunahing “safeguards” na isinama o ini-incorporate ng Kamara de Representantes sa MIF Bill.
Sinabi ng House Speaker layunin ng “safeguards” sa MIF na matiyak na magkakaroon ng tamang proseso o ang tinatawag na “proper utilization” sa MIF at upang maiwasan din ang maling paggamit o misuse ng “sovereign wealtj fund”.
Inaprubahan noong nakaraang Huwebes (Disyembre 15) ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 6608 na nagtatag o lumilikha ng MIF. Matapos na 279 kongresista ang bumoto pabor sa nasabing panukala. Habang 6 na mambabatas naman ang bumoto laban sa HB No. 6608.
Sinertipikahan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na urgent ang nasabing panukalang batas.
“During the lengthy and exhaustive plenary deliberations on House Bill 6608, we have adopted various safeguards to ensure we can achieve the objectives of the Maharlika Investment Fund, and one of such is a provision to ensure transparency on relevant financial matters pertaining to the MIF,” sabi ni Speaker Romualdez.
Sinabi din ni Romualdez na sa ilalim ng HB No. 6608. Isamg probisyon aniya diyo nagsasaad na maaaring gamitin ng publiko ang kanilang karapatan oara alamin ang detalye o financial matters ng MIF.
“The 3rd reading version now creates an MIF that is significantly more transparent and accountable than the committee report. I am proud of the work of the Technical Working Group, which included recommendations from the minority,” Pahayag naman ni Albay Cong. Joey Salceda.