PBBM

PBBM sa AFP: Ipagpatuloy pagpapanatili ng kapayapaan

218 Views

HINILING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagpatuloy ang pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.

“My marching guidance has always remained constant: we commit to the cause of peace. The security and stability of the country remains the priority,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa ika-87 anibersaryo ng AFP na isinagawa sa Camp Emilio Aguinaldo.

“I call on you to continue performing your duties as you have had for many, many years, and competently, so that our country can achieve peace and security, and sustain economic prosperity,” sabi ng Pangulo.

Sinabi naman ng Pangulo na suportado ng administrasyon ang modernisasyon ng AFP at magiging katuwang ng kasundaluhan upang maging malakas at world-class ito.

Pinuri rin ni Marcos ang AFP sa matagumpay nitong mga kampanya laban sa mga rebelde at iba pang elemento na laban sa gobyerno.

“Through your efforts, along with other law enforcement authorities and government agencies, we now see a significant decline in their numbers. And [with] that, you have helped pave the way for development to foster and for communities to live in peace,” dagdag pa ng Pangulo.

Kinilala rin ni Marcos ang mahalagang papel na ginampanan ng AFP sa pagsaklolo sa mga nasalanta ng kalamidad.

Mahalaga rin umano ang ginagawa ng AFP na makipag-ugnayan sa ibang bansa upang mapalakas ang pagbibigay nito ng proteksyon sa teritoryo ng bansa.

“New security challenges do not recognize borders and we must continue to work with our neighbors, our allies, partners, and friends to address mutual security concerns,” dagdag pa ng Pangulo.

Binigyan-diin ni Marcos ang kahalagahan na mapalakas ang kakayanan ng AFP.