BBM

UniTeam sinisigurong susunod sa Comelec guidelines

501 Views

PINAALALAHANAN ng UniTeam ang mga taga-suporta nito na sundin ang ipinalabas na bagong mga alituntunin ng Commission on Elections (Comelec) ukol sa pangangampanya sa panahon ng pandemya kasabay ng pagsisimula ng campaign period nitong Pebrero 8, 2022.

Nanawagan ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga taga-suporta matapos ang matagumpay na proclamation rally na dinaluhan ng libo-libong mga supporter sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“We are reminding everyone that we are still in the middle of a Covid19 pandemic. For everyone’s safety and well-being, we are urging our supporters all over the country to abide by the rules and restrictions set by the Comelec,” ayon kay Marcos.

Nitong Lunes, nanawagan ang Comelec sa mga kandidato na sumunod sa itinakda nilang bagong alituntunin ukol sa pangangampanya partikular ngayong meron pa ring pandemya.

Ayon sa Comelec, lahat ng aktibidad ng mga pulitiko ay kinakailangang aprubado ng National Comelec Campaign Committee, isang task force na nilikha ng ahensya para i-regulate ang pangangampanya ngayong halalan.

Ibig sabihin nito, kailangang humingi ng permit ang mga campaign organizer bago isagawa ang lahat ng kanilang aktibidad.

Dalawang Comelec commissioners ang mamumuno sa committee na kinabibilangan din ng ilang representative mula sa DOH, DILG, AFP at PNP.

“This is a time to lead by example. Let us show the people that the UniTeam and everyone who believes in our call for unity are disciplined, and law abiding citizens. We must learn to adapt to the changes in our election process,” wika ni Marcos.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng Comelec ang paghalik, pagyakap at pagpasok sa bahay ng mga nangangampanyang kandidato.

Pinaiiwas din ang mga kanidato sa pagkamay, at pagkikipag-selfie sa mga supporter.

Maging ang pagbibigay ng pagkain at tubig ay ipinagbabawal din base sa bagong alituntunin ng Comelec.

“Mayor Sara and I know that this will be a big challenge for everyone in our campaign team, but this is one challenge that I am confident we can all hurdle together. It pales in comparison to the issues that await us should we be given the mandate to serve after this election,” ayon pa kay Marcos.

Inilunsad din ng Comelec ang kanilang “e-rally facility” para payagan ang mga kandidato na mag-live stream ng kanilang mga aktibidad sa e-channel ng Comelec sa loob ng 10 minuto.