Calendar
Pagtatakda ng common area para sa paputok itinulak ni PBBM
HINILING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan na magtakda ng lugar kung saan maaaring magpaputok upang malimitahan ang firecracker related injuries sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon.
“Ang gawin na lang natin ay I will enjoin the LGUs, instead of allowing our people to have their own firecrackers, gumawa na lang kayo ng magandang fireworks display para sa inyong mga constituent,” ani Marcos.
Nagbabala rin si Marcos sa publiko kaugnay ng panganib na dala ng paputok lalo na ang mga ipinagbabawal.
“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” sabi ni Marcos.
Ayon sa Department of Health 122 kaso ng firecracker-related injuries ang naitala noong 2020 at 128 naman noong 2021.