DOH inirekomenda pagpapalawig ng state of calamity kaugnay ng COVID

167 Views

INIREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Office of the President (OP) ang pagpapalawig ng state of calamity kaugnay ng COVID-19.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nagsumite ng memorandum ang ahensya sa OP upang palawigin ang state of calamity na matatapos sa Disyembre 31, 2022.

Kailangan umano itong palawigin lalo at hindi naisabatas ang panukalang Center for Disease Prevention and Control (CDC).

Hinihintay umano ng DOH ang tugon ng OP.