Calendar
Pagbisita ni Chinese Pres Xi sa PH hindi na magtatagal
NANINIWALA si Speaker Martin G. Romualdez na hindi magtatagal ay bibisita sa Pilipinas si Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Romualdez nakita nito na naging masaya ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangulong Xi sa Beijing kamakailan.
“After this state visit, our President invited President Xi Jinping and his wife first lady, First Lady Peng Liyuan, to come to the Philippines,” sabi ni Romualdez.
“This type of exchanges promotes deeper and healthier relationships because trust and confidence with one, another is built up and also we also look forward,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Kung titignan ang pagkikita ng dalawang Pangulo at kani-kanilang First Lady sinabi ni Romualdez na mayroong chemistry ang mga ito.
“From the looks of it, I think that might be forthcoming because they actually enjoyed each other’s company and that’s of the respective First Lady Louisa Araneta Marcos and the First Lady Peng, [it] went very well,” sabi ni Romualdez. You can see that there was chemistry right from the start.”
Kasama si Romualdez sa delegasyon ni Pangulong Marcos sa China.