Hagedorn

4 pang sangay ng RTC sa Palawan isinulong

Mar Rodriguez Jan 12, 2023
189 Views

IMINUMUNGKAHI ng isang kongresista ang pagkakaroon ng apat na karagdagang sangay ng Regional Trial Courts (RTC) sa kanilang lalawigan dahil sa kakulangan ng hukuman na lilitis sa iba’t-ibang mga kaso partikular na sa mga isasampang “environmental cases”.

Dahil dito, isinulong ni Palawan 3rd Dist. Cong. Edward S. Hagedorn ang House Bill No. 4886 sa Kamara de Representantes upang magkaroon pa ng apat na karagdagang RTC sa kanilang lalawigan. Kung saan, dalawa dito ang magsisilbing Family Courts at dalawa naman ang itatatag bilang “Special Court for Environmental Cases”.

Sinabi ni Hagedorn na ang 2 karagdagang RTC o Family Courts ay ilalagay sa Brooke’s Point at sa Coron. Samantalang ang 2 pang RTC o Special Courts ay ilalagay naman sa Coron at Roxas sa nasabing lalawigan.

Ipinaliwanag ni Hagdorn na dahil kilalang-kilala ang Palawan bilang isang sa “New Wonders of Nature noong 2012” bunsod ng mapaka-pigil hininga at magagandang tanawin dito. Kaya naman may ilang grupo ang nais itong pagsamantalahan kablang na ang illegal logging.

Aminado ang mambabatas na sa kasalukuyan ay nahihirapan aniya ang 4 na RTC sa Palawan na litisin ang iba’t-ibang mga kaso na isinasampa sa kanilang hukuman bunsod ng “workload” o dami ng mga kaso kabilang na dito ang lokasyon ng RTC para sa mga residente.

Binigyang diin ni Hagedorn na ang pagkakaroon ng karagdagang humukan sa Palawan ay makakatulong ng malaki sa kanilang lalawigan sapagkat mabilis na maigagawad ang hustisya sa mga kasong nakasampa partikular na sa mga kasong may kinalaman sa kalikasan.

“At present, there are one RTC and one Municipal Circuit Trial Court (MCTC) in Coron, while one RTC and one Municipal Trial Court (MTC) in Brooke’s Point. The establishment of four additional RTC’s in Coron and Brooke’s Point is necessary to further recognize the courts. Taking into account the workload, location and such other factors that will affect the speedy and efficient delivery of justice,” paliwanag pa ni Hagedorn.