Eangelista

Marcos admin magpapatupad ng limitadong importasyon ng sibuyas

187 Views

UPANG maproteksyunan ang mga lokal na magsasaka magpapatupad ng limitadong pag-aangkat ng sibuyas ang Marcos administration.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista ang pagpasok ng harvest session at ang limitadong importasyon ay inaasahan na magpapababa sa presyo ng sibuyas.

“Pagdating naman po doon sa mini-mention ninyo tungkol sa importation, iyong harvest po na ini-expect natin sa ating magsasaka, iyan po ay taken into consideration by both the Bureau of Plant Industry (BPI) on the high-value crop… it’s a bureau, and our unit in charge of that certain commodity,” sabi ni Evangelista.

“So a calibrated importation was something they had to look into… As of now, we are waiting for reports kung ilan po ang nag-apply and at the same time I don’t know if you noticed, mayroon pong cutoff iyong ating importation unlike before,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Evangelista bumaba na sa P250 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas.

“But this is something that we have to validate because it might just be in one area, but so far, from the reports I am receiving from the farmers themselves, and even some institutional buyers, there has been already a decline pagdating po sa farmgate price,” ani Evangelista.