Diokno1

2022 GDP ng PH maglalaro sa 6.5-7.5%

122 Views

INAASAHAN na maglalaro sa 6.5% hanggang 7.5% ang gross domestic product ng bansa noong 2022.

At ngayong taon, sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na inaasahan na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6.5% sa kabila ng inaasahang pagbagal ng ekonomiya ng buong mundo.

“And that’s still one of the highest if not the highest growth projection in the Asia-Pacific Region,” sabi ni Diokno.

Bukod sa pagbangon ng maraming sektor, naitala rin ang pinakamababang employment rate ng bansa, sabi ng kalihim.

Makatutulong din umano ang pagbubukas ng ekonomiya para sa dayuhang mamumuhunan at ang pagpapatupad ng mga polisiya upang mas maging mabilis ang pagtatayo ng negosyo sa bansa.

Makadaragdag din umano ang pagpapaganda ng public-private partnership (PPP) at pagpapalawig ng Build, Better, More infrastructure.

“The fund, which will be established in keeping with the highest standards of accountability and sound fiscal management, aims to diversify the country’s financial portfolio,” dagdag pa ni Diokno.

“May the next few days bring forth more intensive collaboration and cooperation towards genuine economic transformation.”

Kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa WEF sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, dating Pangulo at incumbent Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Sen. Mark Villar, Rep. Ferdinand Marcos III, Rep. Yedda Marie Romualdez, Trade Secretary Alfredo Pascual, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Transportation Secretary Jaime Bautista.