Calendar
Reserbang asukal sa bansa gagawing 2-buwan
PLANO ng administrasyong Marcos na itaas sa dalawang buwan ang reserve ng asukal sa bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makatutulong ito upang masiguro na hindi magkakaroon ng kakapusan sa suplay ng asukal.
“We will maintain from now on, in sugar, a two-month buffer stock… so that people will know hindi tayo magkaka-shortage dahil lagi tayong mayroon two-month na buffer stock which I will maintain,” ani Pangulong Marcos.
Binigyan-diin ng Pangulo ang pangangailangan na matugunan ang problema sa smuggling at ang pagpapataas ng suplay ng produksyon ng asukal sa bansa.
“The smuggling, ‘yun talaga… kailangan talagang i-solve ‘yun. Masyadong laganap ang smuggling dito sa Pilipinas kahit na ano ini-smuggle eh. So we have to really look into that and we have some very good ideas,” sabi ng Marcos.
Sinabi ng Pangulo na mayroong mga estratehiya na ginagamit sa ibang bansa na maaaring gamitin din sa Pilipinas upang masawata ang smuggling.