Brende

WEF President Brende pinuri paglago ng ekonomiya ng PH

184 Views

PINURI ni World Economic Forum (WEF) President Børge Brende ang Pilipinas sa naitala nitong gross domestic product (GDP) growth na mas mataas kumpara sa maraming bansa.

“It is incredible — I think now, Philippines is the fastest growing of the ASEAN countries,” sabi ni Brende kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang one-on-one dialogue sa WEF na isinasagawa sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Brende ang GDP growth ng Pilipinas ang pinakamataas sa rehiyon.

Nauna ng sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang GDP ng Pilipinas noong 2022 ay maglalaro sa 6.5 hanggang 7.5 porsyento.

Ngayong taon, sinabi ni Diokno na inaasahan na aabot sa 6.5 porsyento ang GDP ng bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos pinagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon ang sektor ng micro, small and medium enterprise (MSMEs) na malaking bahagi ng ekonomiya.

“And I think that’s where the growth is coming from,” ani Pangulong Marcos. “My theory, my belief, and I think I’m right is that, as long as the unemployment rate stays low, then the recessionary forces are something that we can resist. So that’s why I think — that gives a good foundation for growth.”