Calendar
Tamang benepisyo, pasahod sa tanod, baranggay workers isinulong
NAGHAIN si Senator Idol Raffy Tulfo ng panukalang batas na magbibigay ng sapat na benepisyo, subsidy at sahod sa mga opisyal ng barangay at iba pang volunteer workers, tulad ng tanod at barangay health workers (HCWs).
Sa pagsusumite ng Senate Bill (SB) No. 1696 o “Magna Carta for Barangay Officials, Personnel and Volunteer Workers,” sinabi ni Sen. Idol na lagi silang nakakalimutan bagama’t masalimuot ang kanilang ginagampanang tungkulin.
“Ilan na sa mga tanod ang napabalitang nasaktan, nadisgrasya at nagbuwis ng buhay sa tawag ng tungkulin. Ilan na rin sa mga barangay health workers ang nagbuwis din ng buhay noong panahon ng pandemya. Dahil sa pagganap nila sa kanilang tungkulin, sila ay napasama sa mga naging biktima ng COVID-19,” ani Tulfo.
Ang nasabing panukalang batas ay magpapataw ng minimum at maximum na salary rate na nararapat para sa barangay officials, personnel atvolunteer workers.
Sa ilalim ng SB No. 1696, ang Department of Budget and Management (DBM) ang responsible para mag-develop ng standardized Position Classification and Compensation Scheme para sa kanila.
Dagdag pa dito, sila dapat ay covered ng Government Service Insurance System (GSIS) social insurance program, PhilHealth Insurance Program at PagIBIG Fund. Kailangan din ay mayroon silang hazard Allowance, at death and burial benefits.
“It is imperative that we recognize the tireless effort and sacrifices of our barangay officials, personnel and volunteer workers by giving them their due,” nakasaad sa explanatory note ng SB No. 1696.