Cacdac

DMW rerepasuhinbilateral labor agreement ng PH sa Kuwait

207 Views

IPINAREREPASO ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ang bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos paslangin ang isang Overseas Filipino Worker na nagtatrabaho roon bilang domestic helper.

“Ang direktiba ni Secretary Toots ay napapanahon nang irepaso, to revisit, review itong bilateral labor agreement na ito at paigtingin ang proteksiyon sa mga OFWs,” sabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac.

Pag-aaralan din umano ang recruitment process upang matiyak na mayroong sapat na proteksyon ang mga OFW sa Kuwait.

“At sabay nito ay pinatitingnan din ni Secretary Toots iyong recruitment standards para paigtingin iyong safe and ethical recruitments standards para sa mga OFWs to Kuwait na masiguro natin, halimbawa, iyong mga agencies with clean track records lamang ang makakapag-deploy ng mga OFWs to Kuwait,” sabi ni Cacdac.

Noong naturang bilateral labor agreement ay pinirmahan noong 2018 at nag-expired noong 2022. Otomatiko naman itong na-renew.

Mayroong 268,000 OFW sa Kuwait kung saan 195,000 ang nagtatrabaho bilang domestic worker.

Ang labi ni Jullebee Ranara ay dumating na sa bansa noong Biyernes.

Si Ranara, batay sa mga ulat, ay inabusong sekswal ng anak ng kanyang amo. Buntis umano ito ng paslangin at sunugin ng salarin sa disyerto sa Kuwait.