BBM2

PBBM: Investment ng Grab lilikha ng 500,000 trabaho

213 Views

MAGLALAGAK umano ng dagdag na puhunan ang ride-hailing service na Grab na lilikha ng 500,000 trabaho.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos nitong makausap ang mga opisyal ng Grab Holdings Inc. sa Malacañang kaugnay ng modernisasyon ng sektor ng transportasyon.

Sa naturang pagpupulong ay nangako umano si Anthony Tan, Grab CEO at co-founder ng kompanya na lilikha ito ng mga bagong mapapasukang trabaho.

“Well, that is what we need. At the very start of all of this, we had always stressed that what we have to do is create jobs right now. Because so many businesses closed, so many people really have no place to go, even the OFWs. So… we need to find jobs,” ani Pangulong Marcos bilang tugon sa pahayag ni Tan.

“So we’ve been able to do that but it’s still continuing… because our unemployment rate is not bad, but we’d like to keep bringing it down,” sabi pa ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo nakalikha ang kanyang administrasyon ng halos 2 milyong trabaho kaya nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho.

“That’s why I’m in a hurry. If we can roll this out as quickly as possible. And I know the way Grab moves, they move very, very quickly. Because you’ve done it so many times before. In the scale, you don’t have to scale it. You’ve scaled it already,” wika pa ng Pangulo.

Target umano ng Grab motorcycle na makabiyahe ng 4 milyon hanggang 5 milyong biyahe kada araw, ayon kay Tan.

Nakabinbin sa Kongreso ang panukala na gawing legal ang pagbiyahe ng mga motorcycle taxi.