Calendar
Pag-overhaul ng 72 bagon ng MRT-3 natapos na
NATAPOS na ang pag-overhaul sa 72 bagon ng Metro Rail Transit 3.
Ang huling inayos na bagon ay nakapasok na sa revenue service ng MRT Line noong Pebrero 2.
Sumailalim sa overhauling ang mga bagon na sinimulang gamitin 23 taon na ang nakakaraan.
Dahil maraming magagamit na bagon, nagiging maikli ang paghihintay ng mga pasahero sa mga istasyon.
Umaabot sa 18 hanggang 21 train set ang bumibiyahe sa MRT Line kapag peak hours, mas mataas sa dating 10 hanggang 15 tren bago ang isinagawang pag-overhaul sa mga ito.
“With the completion of the LRV overhauling project, the passengers can expect more comfortable and convenient train rides as all the train coaches have been repaired and restored to good condition,” sabi ni MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar B. Bongon.
Sinimulan ng Sumitomo-MHI-TESP ang overhauling project noong 2019.
Nagsimula ang operasyon ng MRT-3 noong taong 2000.