PDEA

P30.9B iligal na droga nakumpiska noong 2022—PDEA

Alfred Dalizon Feb 7, 2023
197 Views

UMABOT umano sa P30.9 bilyong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska sa anti-narcotics campaign ng gobyerno noong 2022.

Sa ulat na ipinadala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sinabi nito na mahigit 37,000 operasyon ang naisagawa nito kung saan 53,002 drug personality ang naaresto.

Umabot naman umano sa 237 taniman ng marijuana ang nasira kung saan nakatanim ang P738.6 milyong halaga ng marijuana at derivatives nito.

Nakapagsagawa rin umano ang PDEA ng 257,588 Preventive Education and Community Involvement (PECI) activity at nakapagtayo ng 111 Balay Silangan Reformation Centers.

Mahigit sa 300,000 Persons Who Use Drugs (PWUDs) umano ang sumailalim sa community-based drug rehabilitation programs samantalang 67,045 PWUD ang binigyan ng intervention programs.