Sara

VP Sara nanawagan ng Bayanihan para matugunan kakulangan sa sektor ng edukasyon

162 Views

NANAWAGAN si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa mga Pilipino na magsama-sama at magbayanihan upang matugunan ang kakulangan sa sektor ng edukasyon.

Ginawa ni Duterte ang panawagan sa kanyang talumpati sa Southeast Asian Education Ministers sa pagbubukas ng 52nd SEAMEO Council Conference (SEAMEC).

“We need to act now. We cannot afford to waste more time. As education leaders, we cannot allow a single child to miss out on the opportunity and benefits of learning and the wonders of being able to use it positively,” ani Duterte.

“As education leaders, we have a huge responsibility. The decisions we make today will determine the quality of life in our countries and the entire ASEAN Region, and the ripple effect in these decisions can reverberate for generations to come,” sabi pa ng kalihim.

Sinabi ni Duterte na kailangang matugunan ang mga kakulangan upang magkaroon ang lahat ng pagkakataon na makapag-aral.

Nagpresinta naman si outgoing SEAMEO council president Chan Chun Sing mula sa Singapore ng mga paraan upang makabangon ang mga bansa sa ASEAN mula sa epekto ng pandemya.