Bersamin

PCAO pinalitan ng pangalan ng Malacañang

186 Views

PINALITAN ng Malacañang ang pangalan ng Presidential Complaints and Action Office (PCAO).

Ayon sa Executive Order (EO) No. 15 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ahensya ay tatawagin ng Presidential Action Center (PACe).

Ang PCAO ay itinayo sa ilalim ng Executive Order No. 442 upang magsilbing command center at liaison unit ng Office of the President sa iba’t ibang ahensya kaugnay ng paghingi ng tulong at reklamo ng publiko.