Martin1

Speaker Romualdez: Japanese officials interesado sa Maharlika Fund

184 Views

NAGPAKITA ng interes ang isang opisyal ng financial institution sa Japan sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) at ang potensyal na paggamit nito sa pagpapa-unlad ng power sector ng Pilipinas upang bumaba ang presyo ng kuryente.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez isang senior Japanese official ang kanyang nakausap sa isang dinner para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inihanda ng Mitsui at Metro Pacific Investment Corporation.

“It was during our conversation that he expressed strong interest (in the Maharlika Investment Fund) and in the possibility of investment in the proposed sovereign wealth fund, particularly for the power sector,” ani Speaker Romualdez.

Layunin ng isinusulong na MIF na matulungang maabot ang Agenda for Prosperity sa pamamagitan ng dagdag na pamumuhunan sa mga malalaking proyekto na pakikinabangan ng mamamayang Pilipino.

Sinabi ni Romualdez na ang tinutukoy nitong opisyal ay interesado sa MIF dahil tumulong ito sa pagtatayo ng Indonesia Investment Authority (INA), ang sovereign wealth fund ng Indonesia.

Ayon sa ulat, ang $5 bilyong inisyal na pondo ng INA ay nakakuha ng $20 bilyong co-investment mula sa mga nakapareha nitong foreign companies.

Ayon kay Speaker Romualdez naniniwala ang kanyang kausap na mas malaki ang growth prospect ng panukalang MIF kumpara sa INA.

“So that’s very good, that we’re getting support (for the Maharlika Investment Fund),” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Noong Disyembre 2022, inaprubahan ng Kamara ang panukalang MIF. Nakabinbin ito ngayon sa Senado.

“Over 70 countries have it and the batting average is over 90 percent success. It’s what they call international best practices to have one and that’s why we’re fortunate that we in Congress were able to pass it this fast,” dagdag pa ni Romualdez.

Naniniwala si Romualdez na susuportahan din ng Senado ang panukala matapos mahanapan ang solusyon ang kanilang mga agam-agam.