Martin

Paggulong ng hustisya pabibilisin—Speaker Romualdez

168 Views

PINAG-AARALAN ng Kongreo ang mga panukalang magrereporma sa judicial system upang mapabilis ang paggulong ng hustisya sa bansa.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa 19th National Convention of Lawyers at sa golden jubilee celebration ng Integrated Bar of the Philippines na ginanap sa SMX Convention Center sa Davao City.

Ayon kay Speaker Romualdez pinag-aaralan ng Kamara de Representantes at Senado ang mga panukala na may kaugnayan sa criminal justice system.

Sinabi ni Speaker Romualdez na isa sa nais tignan ng Kamara ang Revised Penal Code, o Republic Act No. 3815 na naisabatas noong Disyembre 8, 1930 o 92 taon na ang nakakaraan.

“However, with globalization and the birth of the internet in 1983, many of the injustices that society endures at present, like cybercrime and transnational crime, are simply beyond the ambit of the Revised Penal Code to address,” ani Speaker Romualdez.

Pinuri rin ng lider ng Kamara ang inter-agency Code of Crimes Committee na pinamumunuan ni retired Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval na siyang gumagawa ng draft ng panukalang Code of Crimes.

Ang draft code, ayon kay Speaker Romualdez ay naglalaman ng mga angkop na parusa sa iba’t ibang krimen kasama na ang pagsasagawa ng community service at makatotohanang multa at iba pang parusa.

Ipapasok din dito ang mga bagong terminolohiya na ginagamit sa batas, ang Dangerous Drugs Act, at ang cybercrime.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang komite ni Sandoval sa pag-iwan sa ilang isyu sa Kongreso gaya ng pagbabalik ng parusang kamatayan.

Bilang pagkilala sa panganib na dala ng pagiging abugado, hukom, at hurado, sinabi ni Romualdez na pinag-aaralan ng Kamara na pabigatin ang parusa laban sa pag-atake sa kanila.

Mayroon din umanong panukala para sa pagbibigay ng hazard pay sa mga regional trial court judges at mga prosekutor.

Sinabi ni Speaker Romualdez na mayroon ding mga panukala para sa pagbuo ng Criminal Justice Reform Commission upang maimbestigahan ang mga maling hatol, mapigilan at mga katulad na bagay.

“Our experience at the House of Representatives has shown time and again that the road to meaningful change is fraught with formidable challenges. We nonetheless stay the course, without losing our focus on the end result that is worthy of all the sacrifices,” ani Speaker Romualdez.

“The practice of law is much the same. Each day, we go out there and propound what we know to be true and just. Our crusade takes place usually in the courts, in government institutions and, some in public spaces where the people’s exercise of their rights and freedom are tested,” dagdag pa nito.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang mga kapwa nito abugado na nag-organisa ng golden jubilee ng IBP.

Sa kanyang talumpati ay inalala rin ni Speaker Romualdez nang siya ay makapasok sa bar noong 1993.

“It was a solemn moment for me as I willingly imposed on myself the commitment to continuously uphold the standards of public service excellence in my practice of this noble profession. It is a commitment that I strive to fulfill each and every day,” kuwento ni Speaker Romualdez.