alex Manila mayoral bet Atty. Alex Lopez nanguna sa survey

Partido Federal ng Pilipinas (PFP) mayoral aspirant Atty. Alex Lopez

331 Views

SI Partido Federal ng Pilipinas (PFP) mayoral aspirant Atty. Alex Lopez ang mananalong alkalde ng Lungsod ng Maynila kung gagawin ngayon ang halalan.

Ganito ang resulta ng survey ng Original Mata ng Maynila for Charity Media (OMMCM), Inc. na isinagawa sa una, ikalawa, ikatlo at ika-apat na distrito ng Manila City mula Enero 26 hanggang Pebrero 2, 2022 kung saan nanguna si Lopez sa mayoral race.

Nakapagtala si Lopez ng 58% habang pumangalawa si Vice Mayor Honey Lacuna na nakakuha ng 33% at 10% naman kay Amado Bagatsing.

Naging sentro ng katanungan sa survey kung sino ang nagugustuhan nilang Alkalde sa Lungsod ng Maynila at bakit?

Nauna rito, nanguna si Lopez, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez, sa survey na ginawa ng isang pahayagang tabloid sa bansa.

Ikinasiya naman ito ni Lopez, isang abogado at naging matagumpay na negosyante sa bansa, na aniya’y “gusto na ng mayorya ng Manilenyo na maibangon sa kahirapan ang lungsod bunsod ng naranasang pandemya at iba pang problemang taglay nito.

Binigyang diin ni Lopez na dapat nang maibalik ang lungsod na tinagurian pearl of the orient o premier city ng bansa.

Iginiit pa ng abogado na ipaglalaban at sisikapin niyang maibalik sa pagiging number one muli ang lungsod sa Metro Manila na ngayon ay ikatlo na lamang kung kita o income ang pag-uusapan.

Sinabi ni Lopez na hihikayatin niyang bumalik sa lungsod ang mga negosyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo.

“Higit sa lahat lilikha tayo ng maraming trabaho sa pagbabalik ng mga negosyo, aayusin natin ang peace and order, problema sa trapiko, mas maraming pabahay. Gayundin, tulungan natin ang mga vendor, iangat natin ang kalagayan ng mga barangay, kasama ang mga tanod at health workers bilang mga frontliners,” pahayag ni Lopez.

Samantala, nakatakdang bisitahin ng BBM- Sara tandem sa linggo ang lungsod para sa isang motorcade na magsisimula sa parola o distrito uno