Villafuerte

Pagkaka-apruba ng Kamara sa panukalang Con-Con sa committee level ikinagalak

Mar Rodriguez Feb 21, 2023
189 Views

IKINAGALAK ng isang Bicolano congressman ang pagkaka-apruba ng House Committee on Constitutional Amendment sa panukalang Constitutional Convention na naglalayong magkaroon ng halalan para sa mga mauupong delegates ng Con-Con para sa pag-aamiyenda ng 1987 Philippine Constitution.

Nauna rito, inaprubahan ng Kamara de Representantes sa pamamagitan ng nasabing Komite na pinamumunuan ni Cagayan de Oro 2nd Dist. Congressman Rufus B. Rodriguez ang panukaklang Con-Con para amiyendahan ang Konstitusyon matapos itong makakuha ng 16-3 na boto mula sa mga kongresista.

Ikinagalak ni 2nd Dist. Congressman Luis Raymund “Lray” F. Villafuerte, Jr. ang pagpasa ng panukalang Con-Con para baguhin ang Saligang Batas. Kung saan, ito ang nakapaloob sa isinulong nitong House Bill No. 4926 na nagpapanukala ng Con-Con bilang paraan para sa pag-aamiyenda ng Konstitusyon.

Dahil dito, umaasa si Villafurete na ang pagkakapasa ng panukalang Con-Con sa Committee level ay magtutuloy-tuloy na hanggang sa makarating ito sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso upang magkaroon ng plenary debate na pagbobotohan naman ng lahat ng mga mambabatas.

“We are hoping that the Committee votes for our Con-Con proposal would clear the way to its swif plenary approval by the House,” ayon kay Villafuerte.

Sinabi din ni Villafuerte na ang isa mga dapat baguhin sa 1987 Philippine Constitution ay ang tinatawag na “restrictive economic provision” para bigyang daan ang malakas at malusgog na partnership para sa mga prospective investors tungo sa pagkakaroon ng Foreign Direct Investments (FDI)