Calendar
PPA nakapagtala ng pinakamalaking kita simula 1974
KUMITA ang Philippine Ports Authority (PPA) ng P20.4 bilyon noong 2022, ang pinakamalaking kinita nito mula noong 1974.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago ang tagumpay na ito ay bunsod ng maayos na pamamalakad sa ahensya matapos na luwagan ng gobyerno ang COVID-19 restrictions.
“It has been business as usual since we got back, we continue to veer away from the grip of the pandemic by contributing to the economy and increasing our revenues by 16%, more than the Php 17.5B in year 2021 and Php 16.6B in year 2020. We believe this is a good sign and a great shift in gears during this rebound of the economy” sabi ni Santiago.
Noong nakaraang taon ay natapos ng PPA ang 69 proyekto nito na karamihan ay pagpapaganda ng mga pantalan upang makapagbigay ang mga ito ng maayos na serbisyo.
Sa nakalipas na 10 taon, ang pinakamataas na kita ng PPA ay naitala nito noong 2019 o bago ang pandemya. Umabot ito sa P18.3 bilyon na mas mataas ng 5 porsyento kumpara sa kinita nito noong 2018.