Artes

Single ticketing system may dry run sa Abril

Edd Reyes Mar 2, 2023
203 Views

MAGSASAGAWA ng dry run ng single ticketing system ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Abril.

Ayon kay MMDA acting chair Don Artes pitong lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang nagpahayag ng kahandaan sa pagsasagawa ng dry run. Ito ang siyudad ng San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Manila, at Caloocan.

“The single ticketing system across Metro Manila is nearing full implementation. There is a need to conduct a dry run to increase public awareness,” sabi ni Artes.

Ang paggamit ng single ticketing system sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023 ay inaprubahan ng Metro Manila Council.

Inihahanda na rin umano ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at Land Transportation Office (LTO) para sa interconnectivity para sa mga impormasyon kaugnay ng mga nahuli sa paglabag sa batas trapiko.

“LTO Chief Assistant Secretary Jay Art Tugade has committed to submit the MOA tomorrow,” dagdag pa ni Artes.

Sa ilalim ng single ticketing system ay magiging pare-pareho na ang multa ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at gagawing madali ang pagbabayad ng mga nahuli.