halo halo

Ultimate summer treats

850 Views

NALALAPIT na naman ang tag-init at paniguradong hindi nanaman magkamayaw ang mga Pinoy na pawiin ang init at uhaw sa pamamagitan ng pag-kain na talagang patok na patok ngayong tag-init!

Narito ang ilan sa mga ultimate summer treats na maaaring gawin at i-share sa buong pamilya to beat the heat!

halo haloHalo-halo

Unang una sa listahan ang halo-halo na tanyag na panghimas sa mga Pilipino. Ito ay isa sa mga malamig na panghimagas o “cold dessert” dahil ang pangunahing sangkap nito ay ginadgad na yelo at gatas na ebaporada. Gaya ng pangalan nito, ang mga sangkap ay galing sa mga pinaghalo-halong macapuno, pinipig, saging, minatamis na munggo, gulaman, ube, leche flan at iba pa. Kung nais pang gawing mas katakam-takam ay maaari ring lagyan ng sorbetes sa ibabaw nito! Maaaring dagdagan o bawasan ang mga sangkap depende sa iyong panlasa. Maaari ring maging malikhain sa iba pang mga resipi na nais ilagay sa iyong halo-halo!

sorbetesSorbetes

Naririnig mo na ba ang tunog ng kalembang ni manong sorbetero? Tunog pa lang ay alam mo ng ito ay sorbetes o tinatawag ding “dirty ice cream” sa Pilipinas na paborito ng lahat, lalong lalo na ng mga bata. Ito ay karaniwang gawa sa “carabao milk” o gatas ng kalabaw at maaaring ilagay sa apa o baso, depende sa iyong gusto. Ang iba pa nga ay ginagawa itong palaman sa tinapay ngunit ingat lamang dahil baka ikaw ay mangilo dahil sa lamig nito. Gayunpaman, tiyak na mapapawi nito ang init!

lamigSamalamig

Hanap mo ba ay inuming pantawid-uhaw ngayong tag-init? Hindi mo kailangang mag-alala dahil saan ka man magpunta, madalas makitang ibinebenta ang samalamig o palamig sa mga street vendors. Ang samalamig ay isang malamig na inumin na maaaring lagyan ng sago at gulaman. Ito ay karaniwang pinapatamis gamit ang sugar syrup o gatas na kondensada at may lasa ng iba’t ibang katas ng prutas. Kabilang sa mga flavors nito ay buko, melon, mangga, ube, at marami pang iba. Sa murang halaga, may samalamig ka na!

Ngayon ay maaari mong pawiin ang init ng tag-init cool and refreshing pinoy treats na ito! Maraming kang pagpipilian at talagang walang tatalo sa panlasa nating Pinoy!

By JOANNE ROSARIO (OJT)