Resource person hindi na naman nagpakita sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food

Mar Rodriguez Mar 21, 2023
124 Views

HINDI na naman nagpakita sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ang iba’t-ibang “resource person” kaugnay sa pagpapatuloy ng imbestigasyon nito sa kontrobersiyal na manipulasyon sa presyo ng sibuyas, bawang at iba pang agricultural products.

Dahil dito, nagpasya ang Agriculture and Food Committee na pinamumunuan ni Quezon 1st Dist. Congressman Wilfrido Mark M. Enverga na patawan o mag-isyu nan g “show cause order” laban sa iba’t-ibang resource person na nabigong magpakita sa pagsisiyasat ng nasabing Komite.

Hindi naman naitago ni Marikina 2nd Dist. Congresswoman Stella Luz A. Quimbo ang labis na pagkayamot dahil sa hindi pagsipot ng mga inanyayahang resource resource person na magbibigay sana ng linaw kaugnay sa mga kontrobersiyal bumabalot sa bentahan ng mga agricultural products.

Binigyang diin ni Quimbo na masyado aniyang malawak ang modus-operandi o kartel sa mga agricultural products. Kung saan, nagawa nitong patutsadahan ang mga nasabing resource person na nagsabing: “Pati ba naman ang absences nila dito sa Kongreso ay mayroon narin “kartel”.

Bunsod nto, nag-mosyon si Quimbo na maglabas ng “show cause order” ang Komite laban sa grupo ng Super 5, Rivson at iba pang resource person na hindi sumipot sa isinasagawang imbestiasyon ng kamara de Representantes.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang ginawang pang-iisnab ng mga inimbitahang resource person ay maituturing na isang balakid upang matukoy o matumbok ang katotohanan patungkol sa kontroberisyal na usapin ng hoarding, kartel at price manipulation sa presyo ng mga agricultural products.

Kinatigan naman ng Komite ang inihaing mosyon ni Quimbo. Kung saan, kailangang ipaliwanag ng mga hindi sumipot na resource person ang kanilang dahilan kung bakit hindi sila nakadalo sa nasabing pagdinig.

Nauna rito, nagbabala si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na siguradong “maghihimas ng rehas”. Ang sinomang magsisinungaling at hindi makikipagtulungan sa pagdinig ng House Commmittee on Agriculture and Food kaugnay sa hoarding ng mga produktong pang-agrikultura.

Binigyang diin ng House Speaker na hindi na kailangan pang ipaalala sa mga resource person ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa nasabing Komite. Sapagkat tinitiyak nito na sa bilangguan ang bagsak ng sinomang indibiduwal na ayaw makipagtulungan sa isinagawang pagsisiyasat.

Ang naging babala ni Speaker Romualdez ay bunsod na rin ng pagnanais ng Kamara de Representantes na mapababa ang presyo ng sibuyas, bawang at iba pang agricultural products. Kabilang na dito ang paglansag sa talamak na “vegetable cartel” sa bansa na nagpapahirap sa mamamayan.