Yedda Marie K. Romualdez Tingog Partylist Rep. Yedda K. Romualdez

TINGOG TULOY ANG AYUDA Sa mga kababayan na nangangailangan

403 Views

WE just want to help those who are in need. We are just sharing our blessings.”

Ito ang itiniyak ni Tingog Party-List Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa mga kababayang nangangalilangan.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, tuluy-tuloy ang ginagawang pagtulong ng tanggapan ng Tingog Party-list, sa pangununa ni Cong. Romualdez, sa mga kababayan nating nangangailangan.

Katuwang ang administrasyong Marcos, walang sawang nagpapaabot ng tulong si Cong. Romualdez, maybahay ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa mga mamamayan ng bansa na naapektuhan ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Matatandaang kamakailan lamang ay namahagi sila ng tig-P3,000 na cash assistance sa may 600 oil spill victims sa Oriental Mindoro.

Bukod sa tulong sa oil spill sa Mindoro, ilang kalamidad na rin tulad ng mga pagbaha sa Visayas at Mindanao at mga malalaking sunog ang inabutan ng ayuda ng Tingog partylist.

Nagkaloob rin ang Tingog, sa pakikipagtulungan sa Office of the Speaker, ng $100,000 financial assistance sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Turkey ilang buwan na ang nakakaraan.

Bukod dito, namahagi rin sila ng tulong pinansiyal sa may 1,653 pamilya sa Davao de Oro, na naapektuhan naman nang paglindol doon kamakailan.

Dagdag pa ni Rep. Romualdez, “We know the amount of assistance does not really cover the damage caused by disasters. But we hope it alleviates a little our citizens’ plight in times of need.”