PBBM: Mas kilalanin si Hesus at maging daan ng pagbabago

177 Views

HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na mas lalo pang kilalanin si Hesus at maging daan ng pagbabago at tagapagpakalat ng katotohanan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang Holy Week message.

“I urge all of us now to make this promise personal: Let it stir in each of us the desire to know Jesus Christ more so that we may become better agents of change and conveyors of truth wherever we go,” ani Pangulong Marcos.

“No matter how constant or diverse the occasion is in the Filipino psyche, one thing emerges true each time: That God, in His divine and everlasting wisdom, manifested His immeasurable and incomparable love to us all through the very human person of Jesus Christ,” dagdag pa ng Pangulo.

Nanawagan din ang Pangulo na ituon ang iniisip at mga aksyon sa muling pagkabuhay ng Panginoon at ang tagumpay na bigay nito.