MTRCB

MTRCB: Palabas na rated G, PG lang pwdeng ipalabas sa PUV

610 Views

IPINAALALA ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga drayber at operaytor ng pampublikong sasakyan na ang mga palabas na rated G at PG lamang ang maaaring ipalabas sa biyahe.

Ayon sa MTRCB epektibo pa rin ang limitasyong ito sa ilalim ng Memorandum Circular No. 09-2011 kaugnay ng mga panoorin sa pampublikong sasakyan.

“Owing to their service character and accessibility to the public regardless of age, common carriers and other public places can only publicly exhibit such motion pictures classified by the Board as for General Patronage (G) or Parental Guidance (PG),” sabi sa naturang Memo.

Ang mga palabas na may G rating ay maaari sa mga bata at ang PG naman ay mga palabas na dapat mayroong kasamang matanda ang nanonood na bata.

Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng tatlong buwan hanggang isang taon at/o magmulta ng P2,000 hanggang P5,000. Ang prangkisa ng sasakyan ay kakanselahin din.