Walang puwersang panayam, ayon sa mga taga-Pasig
Apr 16, 2025
QCPD cops lumarga; 5 kriminal winalis
Apr 15, 2025
Parak-QC sinakote 2 drug suspek
Apr 15, 2025
PAGTITIPON SA BATANGAS
Apr 15, 2025
DEPDev Act makasaysang reporma
Apr 15, 2025
Calendar
Health & Wellness
DOH: Bilang ng may COVID-19 tumaas
Peoples Taliba Editor
Apr 11, 2023
260
Views
TUMAAS ang bilang ng mga indibidwal na nahawa ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Heath (DOH), mula Abril 3 hanggang 9 ay nadagdagan ng 944 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19.
Ito ay mas mataas ng 13% kumpara sa naitala noong Marso 27 hanggang Abril 2.
Sa mga bagong kaso, 17 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Nanawagan ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.
Samantala, mayroon namang naitalang 30 na pumanaw pero ang mga ito ay namatay mula Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2022 at hindi lamang kaagad naipagbigay-alam sa DOH.