Pangandaman

P1.1B halaga ng one-time rice assistance inilabas ng DBM

159 Views

NAKAPAGBIGAY na ang Department of Budget and Management (DBM) sa National Food Authority (NFA) ng kabuuang P1,182,905,000 para sa ipapamahaging one-time rice assistance sa mga kuwalipikadong empleyado ng gobyerno.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang Notice of Cash Allocation (NCA) para rito noong Abril 12.

“As directed by President Ferdinand R. Marcos Jr., we shall ensure the welfare of our government workers by giving them assistance for their household needs and, at the same time, boosting the production of our rice farmers,” sabi ni Pangandaman.

Ang rice assistance ay ibibigay sa 1,892,648 empleyado ng gobyerno kasama ang mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 2 para sa pagbibigay ng 25 kilong bigas sa mga kuwalipikadong empleyado.