DOTr

DOTr pinag-aaralan paglalagay ng platform screen door sa MRT-3

Jun I Legaspi Apr 13, 2023
200 Views

MATAPOS tumalon ang isang lola sa riles ng Metro Rail Transit-3 na nagresulta sa pagkamatay nito, muling binuhay ang panukala na maglagay ng mga platform screen o barrier.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, officer-in-charge rin ng MRT-3, matagal ng mayroong panukala na maglagay ng harang upang walang pasahero na makapunta sa riles subalit wala umanong buget.

Sinabi ni Aquino na pag-aaralan ng DOTr-MRT-3 ang panukala.

“In the meantime, Station personnel and the Security Services provided will be instructed to implement strict measures to prevent the passengers from crossing the yellow line/marker in the platforms while the trains have not yet come to a full stop at the stations. They will also continue to profile passengers on out of the normal movements,” dagdag pa ni Aquino.

Ang paglalagay ng screen barrier ay kasama na umano sa mga ginagawa North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway Project.