Calendar
Malaking pagtaas sa performance, trust rating, susuklian ng mabuting pagtatrabaho ni Speaker Romualdez
SUSUKLIAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng Kamara de Representantes ng mabuting pagseserbisyo ang mataas na performance at trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research.
“I would like to express my deepest gratitude to the Filipino people for their continued support and trust in my leadership,” ani Speaker Romualdez.
“This is not just a personal achievement but also a tacit recognition of the tireless efforts of the entire House and the dedication of my fellow lawmakers to pass laws and policies that benefit our country and our people,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Hindi umano titigil sa pagtatrabaho ang Kamara kahit naipasa na nito ang mga panukalang batas upang maisulong ang 8-point socioeconomic agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon kay Speaker Romualdez.
“I would like to assure the public that under my leadership, we will redouble our efforts to prioritize the needs and concerns of the Filipino people. We will press on for the timely passage of laws for progress and development and those meant to address the serious challenges that our nation face,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Batay sa Tugon ng Masa Q1 2023 survey ng OCTA Research, nakakuha si Speaker Romualdez ng 59 porsyentong satisfaction rating, mas mataas ng 15 porsyento sa nakuha nitong 44 porsyento sa survey noong Oktobre 2022.
Nakapagtala naman si Speaker Romualdez ang 55 porsyentong trust rating o mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nagpahayag ng pagtitiwala sa kanya. Ito ay mas mataas ng 17 porsyento kumpara sa survey na ginawa sa huling quarter ng 2022.
Si Speaker Romualdez ang nakapagtala ng pinakamalaking pag-angat sa trust at performance rating sa limang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Sa kaparehong survey ay nakakuha rin ng mataas na trust rating sina Pangulong Marcos (83%), Vice President Sara Duterte (87%), Senate President Juan Miguel Zubiri (50%), at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo (39%).
Mataas din ang nakuhang satisfaction rating nina Marcos (80%), Duterte (84%), Zubiri (53%), at Gesmundo (41%).
Ginawa ang survey mula Marso 24 hanggang 28 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondent.
Bukod sa pagtutok sa mga panukalang batas na kailangan maipasa, pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagtugon sa mga malalaking isyu gaya ng onion smuggling at hoarding, problema ng mga airport personnel, at ninja cops.
Sinuportahan din ng lider ng Kamara ang pagnanais ni Pangulong Marcos na paramihin ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa upang mabigyan ng mga bagong oportunidad ang mga Pilipino.
Bago nag-adjourn ang sesyon ng Kongreso noong Marso 23, natapos na ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ang walong iba pa ay nasa advance stage na ng deliberasyon.
Dalawa sa mga naipasa ang SIM Registration Act at pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections ay naisabatas na.
Ang 20 naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ay ang: Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E-Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act; Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, at Rightsizing the National Government.
Naratipika na rin ng Kamara ang bicameral conference committee report ng Agrarian Reform Debts Condonation, at AFP Fixed Term bill.
Bukod sa mga prayoridad ng LEDAC, mayroong 21 panukala na ginawang prayoridad na maipasa ni Speaker Romualdez. Ito ang: Maharlika Investment Fund bill, Ease of Paying Taxes Act, LGU Income Classification, at pag-amyenda sa Universal Health Care Act.
Kasama rin dito ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, na nagpapatawag ng constitutional convention (Con-con) upang amyendahan ang limitasyon sa pagnenegosyo ng mga dayuhan na nakasaad sa Konstitusyon, at ang HB 7352 na naglalaman kung papaano babalangkasin ang Con-Con.
Ang dalawang panukala ay nakatanggap 301 pabor na boto ng isalang sa botohan para sa ikatlo at huling pagbasa.
Ang iba pang prayoridad na panukala ng Kamara na naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ay ang: On-Site, In-City Near City Local Government Resettlement Program, Open Access in Data Transmission, Online Registration of Voters, Amendments to the Philippine Crop Insurance Corporation Charter, and Mandatory Establishment of Evacuation Centers in Every City, Province, Municipality/Permanent Evacuation Centers, at Local Government Income Classification.
Nasa advance stage na ng deliberasyon ng mga komite ng Kamara ang mga panukalang Government Procurement Act, Department of Resilience, at Livestock Development and Competitiveness Bill.
Sumasailalim na rin sa deliberasyon ang mga panukalang pagbuhay sa salt industry, Philippine Ecosystem, and Natural Capital Accounting System, Bureau of Immigration Modernization, National Employment Action Plan, Amendment to the Anti-Agricultural Smuggling Act, at Infrastructure Development Plan/Build Build Build Program.
Upang mas mapabilis ang pagpasa ng mga nakabinbing panukala, pinayagan ni Speaker Romualdez ang mga komite na magsagawa ng pagdinig kahit na naka-break ang sesyon.