Calendar
Muslim prayer, worship room sa mga gusali ng gobyerno iminungkahi
IMINUMUNGKAHI ng isang Mindanao congresswoman ang pagkakaroon ng prayer or worship room sa lahat ng government building, military camps, public hospitals, privately owned shopping malls, private hospitals at iba pang establishments para makapagdasal ang mga kapatid niyang Muslim.
Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 7797 na isinulong ni KUSUG-TAUSUG Party List Congresswoman Shernee A. Tan-Tambut sa Kamara de Representantes na naglalayong gawing mandato ang paglalagay ng lugar sa mga nasabing na establishments bilang prayer at worship room.
Ipinaliwanag ni Tan-Tambut na ang karamihan sa mga kawani ng isang government institutions tulad ng mga military camps, government hospitals at iba pang ahensiya ng pamahalaan mga Katoliko at iba pang Christian denominations na nakakapagdaos ng kanilang religious activities.
Sinabi ni Tan-Tambut na ang mga religious activities ay naisasagawa sa mga lugar na kumbinyente at maaliwalas para sa mga Katoliko at iba pang Christian organizations. Subalit ang lugar na naman pagrausan ng worship at pananalangin ng mga Muslim ay maskip at kadalasan ay hindi kaaya-aya.
Iginiit pa ni Tan-Tambut na napakahalaga para sa kanilang mga Muslim ang pagkakaroon ng lugar para sa kanilang worship, meditation at pananalangin sapagkat ito’y itinuturing nilang “compulsory” bilang kanilang religious duties na mandato naman ng Islam.
Ayon sa kongresista, mandato ng Islam para sa lahat ng kanilang mananampalataya ang pagsasagawa ng limang beses na pananalangin kada araw. Hindi katulad sa ibang religious denomination na hindi naman compulsory ang kanilang pananalangin. Kaya napahalaga sa kanilang ang prayer o worship room.
“Muslim religious practices unlike other religions regard them as compulsory religious duties as Islam mandates that believers performs prayer five times each day of which two of the five daily prayers. Dhuhr. Between noon and mid-afternoon, and Asr. Between mid-afternoon and sunset fall within the 9-5 working hours of the day,” paliwanag ni Tan-Tambut.