BBM2

PBBM: Pag-unlad ng ekonomiya nakasalalay din sa agrikultura

234 Views

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na mapa-unlad ang sektor ng agrikultura na mahalagang sangkap umano ng pag-angat ng ekonomiya.

“Bilang inyong Pangulo ay asahan ninyo na laging susuportahan ang agrikultura ng ating administrasyon. Ito po kaya naman po ako ay inappoint ko po ang sarili bilang Kalihim ng Department of Agriculture dahil po lahat ng aming pag-aaral, lahat ng aming pagplano tungkol sa pagbangon ulit ng ating ekonomiya ay nandiyan lagi ang agrikultura,” ani Pangulong Marcos.

“At kung hindi maganda ang produksyon ng agrikultura ay hindi natin mapapaganda ang ekonomiya. Kaya po naging prayoridad ang agrikultura. Ngayon naging sentro po ng aming mga pinaplano,” sabi pa ng Pangulo.

Binanggit din ng Pangulo ang pangangailangan na palakasin ang paggawa ng mga lokal na makinarya sa pagsasaka na ginagawa na ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa tulong ng mga foreign partners nito.

“Kung nakikita ninyo ‘yung mga makinarya na naka-display doon sa labas ay para naman tayo ay… [mag-] manufacture tayo ng sarili natin nang sa ganun ay hindi na kailangan tayo umasa sa importation,” dagdag pa ng Pangulo sa pakikipag-usap nito sa mga magsasaka sa Nueva Ecija.

“Ang lahat ay kailangan natin tingnan at pag-aralan para makahanda tayo. Na kung sakali ito’y mauulit ay tayo naman ay may gagawin. Mayroon tayong nakahanda at masasabi natin kahit hindi na tayo mag-import ay mayroon tayong sapat na supply na pagkain para sa ating mga mamamayan. ‘Yan po ang ating hangarin,” wika pa ng Pangulo.

Upang maparami ang produksyon ng pagkain sa bansa, sinabi ng Pangulo na dapat palakasin din ang research and development (R&D) upang matukoy kung ano ang dapat na itanim kapag tag-ulan at kung tag-init