Adiong: Banta ni Sara banta sa demokrasya
Nov 24, 2024
Rep. Bordado: Hinahon, VP Sara
Nov 24, 2024
‘Tama na ang drama at panlilinlang
Nov 24, 2024
Calendar
Nation
Mga bagong appointees inanusyo ng Malacañang
Ryan Ponce Pacpaco
Apr 28, 2023
176
Views
INANUNSYO ng Malacañang ang mga bagong talagang opisyal ng Marcos administration.
Ang mga bagong appointees ay sa Presidential Communications Office (PCO), at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang mga naitalaga sa PCO ay sina Katrina Grace Ongoco (Assistant Secretary) Nelson De Guzman (Director II), at Robertzon Ramirez (Director I).
Itinalaga naman bilang Director II ng DICT sina Nelson Daquiaog, Froilan Jamias, Sophia Lynn Lumantod, Arnold Barcelona, Andres Castelar Jr., at Jovita Chongco.
Samantala binigyan naman ang bagong ranggo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Mario Awilan (Captain), Mark Dave Monterey (Captain), Rodel Manahan (Lieutenant), at Fritz Joseph Jaictin (Ensign).