Martin2

OCTA: Speaker naungusan ang Senate President

142 Views

SA unang pagkakataon, naungusan ng Speaker ng Kamara de Representantes ang Senate President.

Ito ay batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Marso 24 hanggang 28.

Nakapagtala si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng 59 porsyentong satisfaction rating at walong porsyento lamang na dissatisfaction rating. Mayroong 33 porsyentong undecided.

Si Senate President Juan Miguel Zubiri ay nakapagtala naman ng 53 porsyentong satisfaction, 9 porsyentong dissatisfaction rating, at 38 porsyentong undecided.

Ang mataas na rating si Speaker Romualdez ay iniuugnay sa magandang performance ng Kamara.

Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, naipasa na ang Kamara ang 23 sa 31 panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) wala pang isang taon mula ng magsimula ang 19th Congress.

Ang mga panukalang ito, na karamihan ay nakabinbin pa sa Senado, ay naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Dalawa sa mga prayoridad na maisabatas ng LEDAC—ang SIM Registration Act at pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections ay naisabatas na.

Ang panukalang Agrarian Reform Debts Condonation, at AFP Fixed Term bill ay naratipika na ng Kongreso.

Ang iba pang prayoridad na panukala na natapos na ang Kamara ay ang Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E-Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority o ang Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act, Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, at Rightsizing the National Government.

Ang nalalabi namang walong panukala sa Kamara ay nasa advance stages na at tinututukan ni Speaker Romualdez.

Bukod sa mga prayoridad ng LEDAC, mayroong 21 panukala na pinili ang liderato si Speaker Romualdez na maging prayoridad ng Kamara at kasama dito ang Maharlika Investment Fund bill, Ease of Paying Taxes Act, LGU Income Classification, at pag-amyenda sa Universal Health Care Act.

Inaprubahan na rin ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, na nagpapatawag ng constitutional convention (Con-con) upang amyendahan ang limitasyon sa Konstitusyon sa pagnenegosyo ng mga dayuhan sa bansa na nakasaad sa Konstitusyon. Ang kaakibat nitong HB 7352 na naglalaman kung papaano isasagawa ang Con-con ay pasado na rin sa Kamara.

Ang iba pang prayoridad na panukala ng Kamara na naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ay ang On-Site, In-City Near City Local Government Resettlement Program, Open Access in Data Transmission, Online Registration of Voters, Amendments to the Philippine Crop Insurance Corporation Charter, and Mandatory Establishment of Evacuation Centers in Every City, Province, Municipality/Permanent Evacuation Centers, at Local Government Income Classification.

Nasa advance stage na ng deliberasyon ng mga komite ng Kamara ang mga panukalang Government Procurement Act, Department of Resilience, at Livestock Development and Competitiveness Bill.

Nakasalang naman sa deliberasyon ng mga komite ang panukalang pagbuhay sa Salt industry, Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System, Bureau of Immigration Modernization, National Employment Action Plan, amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act, at Infrastructure Development Plan/Build Build Build Program.

Sa kaparehong survey ay nakapagtala naman si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 80 porsyentong satisfaction rating, 6 porsyentong dissatisfaction rating at 15 porsyento ang undecided.

Si Vice President Sara Duterte ay nakakuha naman ng 84 porsyentong satisfaction rating at 4 porsyento ang dissatisfied sa kanya. Mayroon itong 12 porsyentong undecided.

Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay mayroon namang 41 porsyentong satisfaction at 14 porsyentong dissatisfaction rating.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong ±3% margin of error at 95 porsyentong confidence level.