Calendar
Nakumpiskang smuggled na asukal ibebenta sa Kadiwa
IBEBENTA sa mga Kadiwa outlet ang mga asukal na kinumpiska ng gobyerno dahil iligal ang pagpasok nito sa bansa, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ayon kay SRA Acting Administrator Pablo Azcona ginagawa ng ahensya ang lahat para mapabilis ang proseso at posible umano na masimulan ang pagbebenta ng mga nakumpiskang asukal sa Mayo.
Matapos umanong amyendahan ang rules para maibenta ang mga nakumpiskang kontrabando, ang sumunod na tinutugunan ng gobyerno ay ang logistics at warehousing.
Ayon kay Azcona nasa 4,000 metriko tonelada ng nakumpiskang asukal ang nakahanda ng ibenta sa mga Kadiwa store sa halagang P70 kada kilo.
Sinabi ni Azcona na masuring pinag-aralan ang presyo upang masiguro na hindi ito magdudulot ng pagkalugi sa mga lokal na producer ng asukal.