BBM1

PBBM namigay ng bahay at lupa sa Labor Day

161 Views

BILANG bahagi ng selebrasyon ng ika-121 Labor Day, nagpa-raffle si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng limang house and lot bago ito umalis patungong Estados Unidos.

Pumunta si Pangulong Marcos sa SMX Convention Center sa Pasay City kung saan ginanap ang raffle.

Nabunot ng Pangulo ang mga pangalan nina Cipriano Basalio, Ana Lara, May Justine Villarin, Heda Villada, at Deborah Romero, pawang mga benepisyaryo ng iba’t ibang assistance package mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang bawat isa sa inabutan ng simbolikong susi para sa kanilang bagong bahay.

Ang limang nanalo ay kabilang sa 20,165 qualified beneficiaries ng mga tulong mula sa DOLE.

Ang DOLE ay mamamahagi rin ng P1.29 bilyong halaga ng livelihood assistance sa 229,823 kuwalipikadong indibidwal bilang bahagi ng Labor Day celebration.

Kasama sa tulong na ipinaaabot ng DOLE ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers Program (TUPAD), DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), Government Internship Program (GIP), at Special Program for Employment Students (SPES).