BBM2

Misyon ni PBBM biyahe: Palakasin US-PH partnership

166 Views

BUMIYAHE na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Estados Unidos.

Sa kanyang departure speech sa Villamore Airbase, sinabi ni Pangulong Marcos na nais nitong palakasin pa ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos partikular umano sa pagkakaroon ng seguridad sa pagkain, digital economy, enerhiya, at climate change.

“My visit to the United States, and more especially my meeting with President Joe Biden, is essential to advancing our national interests and strengthening that very important alliance,” ani Pangulong Marcos.

Nakatakdang magpulong sina Marcos at US President Joseph Biden.

Ito na ang ikalawang pagkikita ng dalawa, ang una ay noong Setyembre sa New York.

Inaasahan din na makikipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng mga malalaking kompanya sa Estados Unidos upang himukin ang mga ito na maglagak ng puhunan sa bansa.

Kasama ng Pangulo ang kanyang economic team at ilang negosyante.

Makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community sa US.