Salceda

Mataas na rating ni Speaker Romualdez patunay  ng magandang trabaho ng Kamara—Salceda

156 Views

ANG mataas na pag-angat sa trust rating ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa survey ng OCTA Research ay pagpapakita umano ng klase ng trabahong ginagawa ng Kamara de Representantes.

Ayon kay House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda naipakita ni Speaker Romualdez na ang Kamara ay partner ng Executive department sa paggawa ng mga hakbang para sa kabutihan ng bansa.

“We’ve been a dynamic partner, in the sense that we tackle more priority legislation faster, and we practice our oversight functions more often and with greater intent. That means we partner with the executive in crafting better rules and regulations to existing legislation, and we work to implement programs better,” ani Salceda.

“Our hearings are also not grandstanding for the media. We produce results,” sabi pa ni Salceda.

Inihalimbawa ni Salceda ang pagtatrabaho ng Kamara upang mapababa ang presyo ng sibuyas sa gitna ng pagmamanipulang ginagawa ng kartel.

“Onion prices are down from a high of P700 per kilo to just around P125-175. At one point, farmgate went down to the P50 level. We caught the cartels and had them detained in the House,” dagdag pa ni Salceda.

“In my committee, we’ve been trying to solve VAT issues with our exporters, and I’m happy to report that the solutions are now on the BIR commissioner’s desk for numbering. Essentially, more expenses will be eligible for VAT zero-rating. Logistics will also be considered exporters, effectively. So logistics expenses will no longer charge for VAT from exporters. We are also simplifying the process of VAT refunds.

And, soon, we hope to resolve the VAT issues for domestic market enterprises in ecozones,” wika pa ng chairman ng Ways and Means committee.

Ang Kamara ay mayroon din umanong naging partisipasyon sa pagtatayo ng Water Resources Management Office upang matugunan ang nagbabadyang krisis sa tubig.

“It’s also the Speaker’s close involvement in solving issues like the Mindoro Oil Spill, security issues in Negros Oriental, and disaster response in places like Davao de Oro,” sabi pa ng mambabatas.

Hindi rin umano maitatanggi ang kasipagan ng mga chairperson ng komite upang maipasa ang mga mahahalagang panukalang batas na makatutulong sa pag-angat ng estado ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“And we have not been afraid to work on potentially controversial pieces of legislation, such as charter change and the sovereign investment fund. People can ultimately see that, that we are after what’s needed, not what’s popular. And I think that earns the House leadership a certain respect,” dagdag pa ng kongresista.

Sa simpleng pananatili, sinabi ni Salceda na ang mataas na marka ay dahil sa magandang pagseserbisyo.

“Ultimately, of course, in a democracy, it’s simple. High marks for good work. The Speaker does his homework well, so he gets high grades from the people,” pahayag pa nito.