BBM2

Pagbabalik ng bakasyon ng eskuwela sa Marso pinag-aaralan

146 Views

PINAG-AARALAN na ng gobyerno ang pagbabalik ng bakasyon ng eskuwela sa buwan ng Marso, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Pinag-aaralan natin ng mabuti ‘yan dahil nga marami ngang nagsasabi pwede na, tapos na ‘yung lockdown. Karamihan na ng eskwela, face-to-face na, kaunti na lang ‘yung hindi na,” ani Pangulong Marcos.

Dahil sa COVID-19, naurong ang umpisa ng klase kaya umatras din ang bakasyon at naging Hunyo o Hulyo.

“Yung ating ginagawa na sistema na hybrid system na mayroong may pumapasok, mayroong nagzo-Zoom o kung anong klaseng pag-promote na pag-attendance, ay lahat gusto talaga na makapag-attend dahil iba talaga ‘yan,” sabi ni Pangulong Marcos.

Bunsod ng mainit na panahon, pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga principal na magdesisyon na suspendihin ang face-to-face classes.