Martin

Speaker Romualdez kinilala tagumpay ng biyahe ni PBBM sa US

272 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matagumpay na biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos kung saan nakasungkit ito ng bilyong dolyar na halaga ng pangakong pamumuhunan na lilikha ng maraming trabaho at makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

“I have personally witnessed how the President tirelessly pursued his mission to promote the interest of the Philippines. He wasted no time and seized all opportunities to engage with US government officials and key business leaders to secure meaningful benefits for our people,” ani Speaker Romualdez.

Sa kanyang post-visit report, sinabi ni Pangulong Marcos na umabot sa USD 1.3 bilyong investment pledge na inaasahang lilikha ng 6,700 bagong trabaho ang kanyang nakuha sa limang araw na biyahe sa Estados Unidos.

“I am confident the lives of many of our Filipino brothers would soon be touched and transformed by the fruits of his official visit to the US,” sabi pa ng lider ng Kamara de Representantes.

“These tangible benefits are won by our President’s indefatigable work coupled with his honesty and the sincerity of his intention to enhance Philippine-US relations for the good of both countries,” dagdag pa Speaker Romualdez.

Sinabi ni Pangulong Marcos na maraming kompanya na nakabase sa Amerika ang nagsabi na kanilang palalawigin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Makatutulong umano dagdag na pamumuhunan na ito sa muling pagbangon ng ekonomiya at mahikayat ang iba pang mamumuhunan na sumunod.

“We expect even more investment that will materialize once these companies firm up their plans,” sabi ni Pangulong Marcos.

Para sa Pangulo ang pangako ng mag American investor ay senyales na tiwala at kumpiyansa sa Pilipinas.

Muli namang tiniyak ni Speaker Romualdez ang suporta ng Kamara sa mga inisyatiba ni Pangulong Marcos upang maging maganda ang kinabukasan ng mga Pilipino.

“To this end, the House of Representatives is committed to pass measures to improve existing legal framework to facilitate the entry of foreign investments, thus enhancing our country’s competitive advantage in attracting foreign capital and businesses to create better-paying jobs for our people and sustain our economic growth,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.