Martin1

Romualdez pinapurihan si PBBM dahil sa matagumpay na US state visit

Mar Rodriguez May 7, 2023
138 Views

PINAPURIHAN ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa matagumpay na limang araw na state visit nito sa Estados Unidos (US) kasunod ng pagbibigay pugay niya sa pagsisikap at sinseridad ng Punong Ehekutibo na mapayabong ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang limang araw na pagbisita ng Pangulong Marcos, Jr. sa US at United Kingdom (UK) ay nakalikom o nakapag-generate ng bilyong dolyares sa pamamagitan ng mga foreign investments pledges na inaasahang makakapag-bigay ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino.

Nabatid sa House Speaker na sa pagbabalik ng Pangulo sa Pilipinas mula sa kaniyang foreign trip. Bitbit aniya nito ang USD 1.3 billion “investment pledges” na ang ibig sabihin ay nangakong maglalagak ng negosyo at puhunan ang mga dayuhang negosyante dito sa bansa na magre-resulta sa pagkakaroon ng 6,700 na mga bagong trabaho para sa mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ng House Speaker na personal nitong nasaksihan kung papaanong walang pagod at masigasig na tuparin ang kaniyang misyon na i-promote ang Pilipinas sa larangan ng kalakalan. Kung saan, hindi aniya nagsayang ng oras at panahon ang Pangulong Marcos, Jr. na makahikayat ng mga dayuhang negosyante na maglagak ng puhunan at negosyo sa Pilipinas.

“I have personally witnessed how the President tirelessly pursued his mission to promote the interest of the Philippines. He wasted no time and seized all opportunities to engage witj US government officials and key business leaders to secure meaningful benefits for our people,” ayon kay Speaker Romualdez.

Kabilang ang House Speaker sa delegasyon ng Pangulong Marcos, Jr. at sinamahan nito ang Punong Ehekutibo sa iba’t-ibang speaking engagements nito sa loob ng limang araw na official state visit sa US.

“I am confident the lives of many of our Filipino brothers would soon be touched and transformed by the fruits of his official visit to the US,” sabi pa ng House Speaker.